Pulong Duterte slams Raissa Robles for her recent tweets

Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte answered the question of the veteran investigative journalist Raissa Robles if there’s a member of the Presidential family already visited the Marawi evacuees.

In his lengthy Tagalog post, Pulong explained that Marawi evacuees only needed medicines, money, food and care. Duterte explained that Maranao people didn’t need politicians to visit them and use evacuees just to gain popularity.

Madam Raissa, sagot ko ito sayo at tatagalugin ko ito para po maintindihan mo.
Ang kailangan po ng mga bakwit ng Marawi ay tulong pinansyal, medikal, pagkain, pakikiramay at pakikiisa; at hindi po isang Pulitiko na magagamit lamang ang sitwasyon ng ating mga kapatid na Maranaw sa pampulitikang ambisyon. Minarapat na po naming hindi na pumunta pa sa mga bakwit at nagpaabot na lamang kami ng aming tulong sa paraan na hindi na po kinakailangan pang ipaalam sa iyo, sa media, at buong mundo.

Hindi na po lingid sa kaalaman ng nakararami na ang Davao City, kahit pa man nauna nang binatikos matapos ang Martial Law, ay tumanggap po ng daan-daang indibidwal mula sa Lanao del Sur at Marawi City. Para po sa karagdagan ninyong kaalaman, hindi lang minsan namin silang pinaabutan ng tulong. Ang tulong po namin ay hindi lang mula sa aming pamilya kundi ng buong siyudad ng Davao. Hindi nyo po maririnig o mababasa na sa bawat tulong namin ay mula kina DUTERTE kundi mula po sa mamamayan ng Davao.

Mula pa po sa aming ama, Mayor Rody at kaming mga anak nya ay kung pwede lamang ay iiwas at iiwas sa media o sa ano mang mga photo-ops na nakakapangilabot. Hindi po kasi kami kagaya ng mga idol ninyong Pulitiko na sa lahat ng kilos ay kailangan sinusundan ng media, kailangang may picture sa bawat kilos, kailangang naka-tweet. Ang importante lamang po sa amin ay napaabot namin ang aming tulong.

Kayo po, mukhang ang dami ninyong time sa Twitter, may time ba kayo para pumunta sa mga bakwit ng Marawi? Baka naman ngawa lang din kayo ng ngawa sa social media, batikos nang batikos sa pamilyang Duterte at sa administrasyon, pero wala rin naman nagawa para sa mga bakwit?
Kung may nagawa kayo, kung nakatulong, salamat po.

Sana po ay bigyan nyo po ang sarili nyo ng kaunting pabor — mag-pray po kayo. At imbis na tira ng tira sa administrasyong Duterte, pumunta rin kayo sa mga bakwit ng Marawi.
O di kaya ay tumanggap ng bakwit mula sa Marawi.

Source: facebook
What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think