BREAKING: 132 PRESO NAKATAKAS; JAIL GUARD PATAY SA PAG-ATAKE SA NORTH COTABATO PROVINCIAL JAIL

KIDAPAWAN CITY- Nakatakas ang 132 preso sa pag-atake ng daan-daang armadong kalalakihan sa Amas Provincial Jail sa Kidapawan City, North Cotabato kaninang madaling araw.

Sinabi sa Brigada News FM Kidapawan ni Jail Warden Supt. Peter Bungat na isang jail guard ang namatay na kinilalang si JO1 Becedo na mabilis pang naisugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival dahil sa matinding sugat na natamo.

Maliban sa nasawing jail guard ay maraming preso naman ang sugatan sa naturang pag-atake.
Dagdag pa ni Bungat na grupo ni Kumander Esmael ‘Derbi’ Nasser ng breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang nasa likod ng naturang pag-atake.

Nasa 60 hanggang 100 armadong kalalakihan umano ang umatake para patakasin ang kanilang mga kasamahan na kabilang sa mga high profile inmates.

Marami umanong mga parokyanong miyembro na mga kapwa killer, drug pusher/user si Derbi sa loob ng District Jail dahilan para i-rescue ng mga ito.

Dahil dito, itinaas na ngayon sa heightened alert ang paligid ng Amas District Jail pati ang paligid ng Provincial Capitol compound kung saan isang lagusan na lamang ngayon ang ipinapatupad sa loob ng Provincial Capitol.

Dahil sa naturang pag-atake ay kinansela na ang pasok ng mga paaralan sa naturang barangay at sa Barangay Patadon.

Source: Brigada
What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think